miss na kita

miss na kita

miss na kita
Alam mo umaasa parin ako. Na baka panaginip lang ‘to. Na bukas pag-gising nand’yan ka ulit. Na baka marealize mo na mas matimbang parin sa’yo ang “mahal kita at mahal mo ako”

Sorry ah, ‘di ko magawang huminto sa pag-asa. Ito lang kasi ‘yong nagbibigay sa’kin ng dahilan para magpatuloy. Alam mo kasi kapag tinigil ko ‘to, katapusan ko na.
Sana isang araw magising ako na wala lahat ng sakit, at nakalimutan na kita. Pero natatakot ako na baka di na dumating sa’kin ang araw na ‘yon. Gusto kong tawanan nalang lahat ng ‘to pagdating ng tamang panahon. Gustong-gusto ko  mawala lahat ng ‘to.
Gusto na rin kita kalimutan.

1 Comment

  1. Macy 4 years ago

    Naku! try to watch that thing called tadhana! 🙂

Leave a reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *

*

This site uses Akismet to reduce spam. Learn how your comment data is processed.