An open letter that’s left unsaid

An open letter that’s left unsaid

An open letter that’s left unsaid

To my great love;

Hi babe! it’s been a while now since we broke up, ang dami kong bagay na gustong sabihin sayo na hindi ko nasabi, ang dami kong bagay na gustong gawin na hindi ko nagawa sayo noon, if i could only turn back the time to do all the right things that i wish i did from the past, gagawin ko. ang dami kong what ifs, ang dami ko regrets, ang dami kong tanong. sisimulan ko sa kung paano tayo nagsimula, October 4, 2016 2:04 am noong sinagot mo ko, naalipungatan lang ako noon tapos nakita ko nakatitig ka sakin, so i thought that was the right time to ask you to be my girl and you said yes, sobrang saya yong nararamdaman ko noong mga oras na yon, para sakin isa yon sa mga pangarap ko na natupad, to have you in my life. Kaya sobrang nagulat ako Babe, di ko alam na dadating yong time na babawiin din pala yong pangarap kong yon, di ko ineexpect na aabot tayo sa point na mawawala yong pagmamahal natin para sa isa’t-isa. Hindi ko alam kung paano gumising sa umaga na wala ka na sa tabi ko, Hindi ko alam kung anong gagawin ko noong mga oras na yon, kung magmamakaawa ba na mahalin at piliin mo ulit ako, o kung kailangan ko na bang bumitaw kasi hindi na ako yong nakikita mong makakasama mo in the future, babe wala akong ibang gustong gawin kundi ang mahalin at makasama ka habang buhay, pero mas pinili ko yong happiness mo even without me, kasi yon yong alam kong mas makakabuti para sayo. yon yong alam kong makakapag pasaya talaga sayo, pero naiisip ko ngayon what if sinubukan ko ulit, what if nakiusap ako sayo, what if inayos ko, what if ginawa ko yong mga bagay na ginagawa ko sayo dati para mahalin mo ulit ako. Sana ginawa ko pala, sana mas lalo pala kitang inintindi, sana pala pinakinggan kita, sana pala inunawa kita, sana pala naintindihan kita, sana pala hindi kita basta basta nilayuan, sana mas pinaramdam ko sayo kung gaano kita kamahal. Babe sorry, sorry kung basta basta na lang ako sumuko, sorry kung basta na lang kita iniwan. Natakot ako babe, naduwag ako. hindi na ako nakapag isip ng tama noon. napuno agad ng galit at sakin yong nararamdaman ko at yon yong isang malaking pinagsisisihan ko. Pero ngayon, unti unti ko na ring naiintindihan at nauunawaan na baka way na rin yon ni god para ipaintindi satin na hindi talaga tayo pwede, masakit man pero kailangan kong tanggapin na hindi ako ang inilaan para sayo. hangad ko ang kaligayahan at tagumpay mo sa buhay babe, alam kong kayang kaya mong tumupadin lahat ng pangarap mo sa buhay, ako pa rin yong number one fan mo, magiging engineer ka din babe, tiwala lang. Salamat babe sa apat na taon na naging masaya at makulay yong mundo ko, salamat sa pag intindi at pagtanggap sakin, salamat sa family mo na nakasama at nakilala ko at lalong salamat babe sa pagmamahal na binigay mo sakin. ang daming kong natutunan sa buhay, Hinding hindi kita makakalimutan maraming tao man ang dumating sa buhay ko, hinding hindi ka nila mapapantayan, ikaw pa rin yong babae na minahal ko ng buong puso. ikaw pa rin babe ang one great love ko. Kasabay ng pagpapalit ng taon yong pagtanggap ko na hanggang dito na lang tayo. Mahal na mahal kita, Till we meet again my love. 

-ADY

0 Comments

Leave a reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *

*

This site uses Akismet to reduce spam. Learn how your comment data is processed.