I’m sorry

I’m sorry

I’m sorry

Hello R, sorry kung nagexpect ka na maganda ako at sexy. Sorry kung yung first meet up natin sobrang hassle. Ayaw ko talaga magpakita kasi ang taba ko. Nangunguna yung insecurities ko at natatakot ako na baka bigla kang umalis. So yun nga, nag-meet na tayo. Kitang kita ko kung gano ka-disappointed ang mukha mo. Hiyang hiya rin ako nun kasi kasama mo mga tropa mo, parang napahiya ka rin kasi ang taba nung ka-meet up mo. Sorry kung napahiya kita sa mga tropa mo. Sinasabi ko naman sayo na kung ayaw mo na kasi nga ganon iwan mo na ako. Kasi ayokong umasa na may feelings ka pa na natitira dyan nung makita mo ako. Sorry talaga kung ganto ako, sinabi ko na din naman sayo dati diba na nanaba na ako. Hindi naman ako ganto kataba dati, naging tamad lang ako kaya naging ganto na ako. Sorry talaga. Mahal na mahal kita kung alam mo lang, pero kung nagtitiis ka pa sakin sabihin mo lang kasi ayokong magtagal tayo ng nagtitiis ka. Ang hirap maging overthinker kasi lahat ng negative na pwedeng mangyari iniisip ko. Gustuhin ko mang wag mo ako iwan, pero kung yun yung ninanais mo papayag ako. Ano pa ba magagawa ko? Eh ang taba ko. Kaya sorry talaga.

– E

0 Comments

Leave a reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *

*

This site uses Akismet to reduce spam. Learn how your comment data is processed.