Pwede ba magrequest? Gusto ko lang ng konting tulak mula sa taong pinagkakatiwalaan ko, kahit hindi ko nakilala ng personal. Ok lang ba? Pwede mo bang sabihin sa akin na magiging okay ang lahat at kaya ko maayos ang buhay ko, na may tiwala ka sakin na makakaya ko lumabas sa comfort zone ko at maayos ang confidence ko? Dahil natatakot ako, hindi ko alam kung saan nangagaling ang takot na ‘to. Yug idea na mag take responsibility sa sarili kong buhay, nalulula ako. *Sigh
Buong buhay ko naging dependent ako sa iba, kay mama. Hindi ko alam paano at san magsisimula. Ang hina hina ng loob ko. Haaay.
Sana sa susunod na sulat ko sa’yo, naabot ko na yung Version na ako na gusto kong maging. Pasensya ka na, wala akong kahit sino man na pwedeng mapagsabihan ng lahat ng ito. At sa’yo lang ako komportableng magkwento. Salamat sa pakikinig.
-Jp
1 Comment
-
Pat, siguro nagtataka ka kung paano ko ito natagpuan. Pero may sarili aqng paraan para mahanap ka.
Kayang-kaya mo yan pat. Naniniwala ako sau. Maniwala ka din sana sa sarili mo, anditu lang ako palagi sumsuporta kahit hindi mo nakikita.
Star