Until the very end

Until the very end

Until the very end

Dear K, 

Kumusta ka na? Hindi ko mawari kung maayos ang lagay mo. Mukhang masaya ka sa mga social media posts mo, pero hindi ko alam kung tunay na ‘saya’ talaga yun. Wala akong intensyon na manggulo or kung ano man. Hindi rin ako nakikipagbalikan kasi alam ko na wala ka nang nararamdaman. Sabi mo nga “I just can’t be what you are asking for anymore.” Huwag kang mag-alala. Nais ko lang magsulat dito kasi litong-lito na ako. 

Bakit hindi mo maibigay yung closure na hinihingi ko? Ganun ba talaga kahirap? Kahit para na lang sana sa pinagsamahan? Ganoon na lang ba kasama ang naiwan ko sa’yo na alaala kaya kahit yun ipagkakait mo? Sobra ba talaga kita hindi nabigyan ng oras noon at nabigyan ng ‘trauma’ na sinasabi mo na (na hanggang ngayon hindi ko maintindihan) kaya ganito? 

Iniwan mo ako nung May. Alam mo bang araw-araw akong naghihintay para sa message mo? Na baka kaya mo ng maisingit sa abala mong ikinabubuhay. Na baka kako malapit mo nang matapos. Ipinagkait at ipinagdamot mo kasi sa akin yun. Anong ginawa mo nung nakipag-hiwalay ka? Naglahad ka lang ng mga paliwanag sa huling bahagi ng liham na ibinigay ko sa’yo? Tungkol sa manga at mga Koreano pa na wala namang halaga sa akin? Sobrang nakakabastos lang kasi. Ang baba ng tingin ko sa sarili ko. Ganoon na lang ba ako kababa bilang tao para pagkaitan nun? Tinanggap ko naman nang maluwag ang pakikipaghiwalay mo. Hindi naman ako nag-reklamo or nanggulo pagkatapos nito. Pero bakit hindi mo pa rin kaya akong pagbigyan? Dahil ba sa ikaw lang nang ikaw ang nagbibigay noon at wala akong naiambag masyado kaya ganito na lang ako kung tratuhin? 

Sabi mo pa recently, ‘good fucking riddance’? Ganito na lang ba ako kababa bilang tao? Sinubukan kong ibenta yung regalo mong Switch kasi may COVID ako. Alam mo naman ang sitwasyon ko, nagsisimula pa lang ako bumangon at mag-ipon. May mali ba sa reason for selling na inilagay ko? Di ba tunay naman na wala na yung nagbigay? Hindi ba tunay din naman na wala ring closure? Ganyan ka ba talaga kadamot? Ganyan ka ba talaga katigas? O ibinabalik mo lang sa akin yung nangyari sa’yo kay Kevin? Walang katapusan? Ayokong magaya sa’yo. Pero psychologist ka, alam mong ang bawat tao ay may proseso, ito ang kailangan ko. Kailangan ko ng closure para makausad sa buhay. Hindi ko mabuksan ang sarili ko para sa ibang tao. May parte sa sarili ko na nakalingon sa’yo at pilit na kumakapit kahit matagal mo na akong binitawan. Sobrang sakit ng nararanasan ko ngayon sa loob ko. At wala akong mapaglabasan. Kaya kahit dito sa platform na ito, na dati ay pinagtatawanan ko lang, ay naglalabas na ako ng hinanakit. Masakit na nga ang loob, mahina na puso, hindi makahinga. 

Nasa ospital ako ngayon. Halos tatlong taon ang nakaraan, hinintay mo ako magising. Ni wala man lang kumusta? Na hintay ako nang hintay ng mga salita mula sa’yo, kahit wag na yung closure, marinig ko lang na palakasin mo ang loob ko, okay na. Pero wala, good riddance and fucking hypocrite lang ang inilagay mo sa Twitter mo. Kung sakali man na makabawi ako sa kalagayan ko ngayon, pangako talaga. Hinding-hindi na ako maghihintay. Malinaw na malinaw na kung ano ako ngayon at kung gaano kababa ang tingin mo sa akin. Nakakalunod yung power na nakuha mo sa therapy mo bago yung May 22. Sana huwag bumalik sa’yo. 

Pasensiya na kung ito ang nararamdaman ko. Sorry kung minahal pa kita kahit nagtapos na. Nagkamali ako ng naramdaman. Nagkamali ako na hayaan ang sarili ko na masaktan. Nagkamali ako na maghintay. Inakala ko lang na may pagkakataon pa tayo na makapagsimula ulit pero malinaw na wala na talaga. Kung wala naman akong chance na maka-survive sa sitwasyon na nandito ako ngayon, ipagpapasa-Diyos ko na lang. Salamat pa rin sa lahat. Sa lahat-lahat. 

MO

0 Comments

Leave a reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *

*

This site uses Akismet to reduce spam. Learn how your comment data is processed.