Alam mo ba noong nakilala kita… Ikaw na yun eh, ‘yong taong pinangarap ko. Yung taong kaya akong maintindihan kahit di ako magsalita. At ikaw lang din yung nakakagets sa mga secret codes ko. Kaya mo akong basahin. Siguro nature mo na ‘yon. Magbasa ng tao.
Alam mo bang nakuha ko yung number mo? Tinawagan pa nga kita at tinext. Share ko lang.
Noong tinawag mo akong nille sa IG, narealize kong wala ka na talaga. Na tapos na.
Na kelangan ko na talaga bumitaw.
It was hard you know, kasi di ko alam kung magpapanggap ba ako na di kita nakilala at isipin na di ka totoo o sasabay nalang sa flow hanggang sa kusa kang mawala sa sistema ko. Alam mo, sa buong isang taon na nakasama ko si Zally, hiniling ko na sana ikaw yun. Kapag tinitingnan ko siya nun, hinahawakan ang kamay, niyayakap; nasasabi ko paring “paano kaya kung ikaw siya?”
Ito na siguro ang pinaka last na Unsaid words ko sa’yo. Naka i-lang last na ba ako? Last to the na talaga ‘to.
Hinintay kita, araw-araw, naghintay ako sa’yo na may sabihin ka. Para akong tanga na parang humihiling ng himala. Pero naisip ko din na baka In love nalang ako sa mga ala-alang naiwan mo O kaya sa personality mo and that’s not love. Coz true love has no reason at all. Kasi kung meron? Attachment yun, hindi LOVE. Kaya di na rin ako sure kung tototo pa ba talaga ‘to. Siguro, inaadmire nalang? Idk. Ikaw yung ideal person ko eh. Ang taong nagtataglay ng mga katangian na gusto ko.
Pero paano kung yung taong nakalaan sa’tin ay kabaliktaran pala ng taong pinapangarap natin? Sinong pipiliin? Yung taong pangarap mo O yung taong sagot sa mga dasal mo, na malayo sa taong pinangarap mo. Diyan na ngayon papasok ang LOVE. When love is real, it defies all reason. Lahat ng ilusyong bumalot sa’yo
na akala mo tototo mawawasak ng tunay na Pag-ibig. Dahil ito ay may kakayahan na palayain ang tao mula sa pagkakakulong ng isipan nito sa limitadong paniniwala na likha ng mundo.
Kapag nakilala ko na siya. Yung star na para sa’kin. Malalaman ko ‘yon. Dahil wala na akong hahanapin pa. At lahat ng mga katanungan ko, kung bakit hindi ikaw. Mabibigyan din ng linaw.
Dami ko namang kwento haha. Ganito talaga ata kapag bored at gutom. Kapag nabasa mo ‘to, wag mo nalang seryosohin. Wala lang talaga ako magawa ngayon.
Sa susunod ulit aking kaibigan.
– Pudpod na utak