I’m very sorry

I’m very sorry

I’m very sorry

LTME-postDear ex,
Hindi ko alam kung paano ako mag sisimula sa dami ng gusto kong sabihin sayo sa lumipas na pitong taon. Madami yung nangyari… isa na yung makipag break sayo. Pero kahit matagal na yun. Hindi ka maalis sa isip ko, hindi parin ako at peace. Kasi siguro alam ko na naging mabuting boy friend ka sa akin. Nag try kang mag sorry sakin nag regret ka kamo kasi hindi mo ako pinaglaban. Naiisip ko ngayon. Mabuti nalang hindi tayo. Sobrang pagdurusa mo siguro. Hindi ka na kasi masaya sakin noon. Parang lahat ng pinapakita ko hindi kita mahal. Nakokonsyensya ako ex. Sorry. Gusto kong magbago. Pero hindi lo alam kung papaano. Natatandaan ko napaka bait mo sa magulang ko. Sa pamilya ko. Salamat ha. Naapreciate ko na yan ngayon pero huli na ang lahat. Noon palagi mo akong inuunawa lahat ng topak ko pinagbibigyan mo. Pinapalagpas mo. Wala akong matandaan na sinigawan mo ako. O pinagsabihan ng masakit na salita. Samantalang ako. Napaka salbahe ko sayo. Palagi kitang dinodown. Ngayon narerealize ko na hindi mo ako deserve. Akala ko noon napaka matured ko na. Pero hindi pala. Lumipas ang mga taon. Masasabi kong wala akong kwentang girl friend sayo at wala akong kwentang kaibigan. Hay. Napaka pathetic. Ang taas ng tingin ko sa sarili ko. Sorry talaga ex. Napaka bata pa kasi natin noon. 16 lang ako noon. Ikaw ang una kong boy friend. Anong alam ko sa relasyon? Marami akong natutuhan sayo. Gaya ng pag kakaroon ng positive na pananaw sa buhay, hindi ka madaling sumuko, maparaan ka at may disposyon sa buhay, At saka pagiging masiyahin mo kahit na sa mahihirap na sitwasyon ng buhay. Napaka Palakaibigan at matulungin mo, Mapagmahal ka rin sa lahat. salamat kasi naging bahagi ka ng buhay ko. gusto kong bumawi sayo sa paraan na ito. Mali lahat ng akala ko sayo. Ang totoo ako ang toxic sa buhay mo. Nag kakilala tayo sa maling panahon. At walang may gusto noon. Talagang mahal kita pero hindi ko pa alam noon pano ipaparamdam sayo. Sa gulo ng buhay ko noon. Sa dami ng responsibilidad ko. Mali na nadamay ka. Pero malaki ang thank you ko. Kasi marami akong magagandang katangian napulot sayo. Hindi ko yun makakalimutan. Hangad ko ang lahat ng kaligayahan para sayo. Masaya ako kapag masaya ka. Hindi ko rin alam kung mababasa mo ito. Pero ayoko na kasing guluhin kapa kung masaya kana ngayon. Dito maisusulat ko yung nasa isip ko. Marami pa talaga ako gusto sabihin pero tama na yan. Ang mahalaga sa sulat naito maisip mo na may halaga ka. Sorry noon sinasabihan kita na wala kang silbi. Para akong baliw. Pag naiisip ko ngayon yun. Hindi ko lubos maisip na nagawa ko yun. Napaka rami mong nagawa para sakin na minsan hindi ko manlang naapreciate. Sorry ex. Hindi ka para sakin pero kung ngayon mo ako makikilala. hindi mo na maalala yung babaeng nakilala mo noon. Ibang iba na ako. Hindi ako mag tataka kung bakit ayaw sakin ng mga kaibigan mong babae. Kasi kung isa ako sa kanila ngayon. Maiinis din ako sa gf mo noon. Naiinis ako na naging ganun ako ka manhid. Naiinis ako na napaka salbahe ko. Pero sa pag kakataon ito. Nag papasalamat ako. Kasi lahat ng kabutihan mo. Hindi ko nalimutan. At tinatatanaw ko na utang na loob yung pagpapakita mo ng kabutihan sakin. Sana hindi ka mag bago at masaya ka ngayon. Mag iingat ka palagi.

Your ex

0 Comments

Leave a reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *

*