For you

LTME postPano ba mabuhay ng wala ka?

Pano ako hihinga..
Pano ako kakain? Yung dating saya ng bawat ngiti ko, ngayon di ko na maramdaman.

Hindi na kita pwedeng paasahin. Ilang beses kong binalak na iblock ka sa fb. Kaso di ko magawa, yun nalang ang kaisa isang connection na meron ako sayo. Hindi ko kayang hindi ka tanawin.
Makita ko lang na online ka ok nako.

Hindi kita papaasahin pa ulit. Sana makahanap ka ng taong makakapagpangiti ulit sayo, makakapagpasaya, makakapagpa inlove.. Hindi ko kayang makipagsapalaran ulit ngayong alam ko ng malabo nakong gumaling. Siguro makikipagrelasyon ulit ako, magmamahal ng iba, para sa ikatatahimik ng pamilya ko, gusto kasi nila na makita daw akong magkaroon ng pamilya. Pero hindi ko kaya kung ikaw..

Ang labo ko no? Hindi mo maintindihan kung pano ako mag isip..
MAhal na mahal kita Jan.Sa kabila ng lahat, lahat lahat ng sakit na dinanas ko sayo, mahal na mahal padin kita. Tanggap ko padin ang lahat sayo. Minahal, Minamahal, Mamamahalin at mamahalin kita hanggang sa huling hininga ko. Isa lang naman ang hindi ko matanggap eh, yung kondisyon ko, Hindi ko kayang magpakasaya ulit sa piling mo kung alam kong kahit anong oras pwede akong mawala sayo.. alam kong pag naging tayo ulit, panibagong takot na naman ang mararamdaman mo araw araw. At hindi ko na kayang sabihin sayong magiging ok din ang lahat pag nagkataon dahil alam kong namang hindi na magiging totoo. Ayokong iwanan ka permanente habang mahal mo pa ako, ayokong saktan ka ng ganon.. Ok lang kung iba ang saktan ko, alam kong makakaya nila.. pero ikaw.. hindi ko talaga kaya Jan.. Mahal na mahal na mahal kita.. You can never imagine just how much.. Ang sakit sakit na humakbang palayo sa nag iisang taong gusto kong makasama..Pero kailangan,,
Hindi mo alam kung gaano kalaki ang kaya kong isakripiso para sayo. Kaya please.. hi di sana masayang to, maging maayos ka sana at ang buhay mo. Palagi lang akong nandito, babantayan kita hanggat kaya ko.

-j.

0 Comments

Leave a reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *

*

This site uses Akismet to reduce spam. Learn how your comment data is processed.