You deserve to be happy

You deserve to be happy

You deserve to be happy

Dear sweetie, 
Hi, kamusta kana? Hindi ko alam kung gusto ko pang basahin tong sulat ko pero ginawa ko to para sa sarili ko na din, para mawala na yung bigat sakin. 
Naalala mo ba nung unang beses tayong nagkita kumain tayo sa bulalohan, yun na ata pinakanakakakilig na araw na nangyari sakin di pa kita ganun kakilala pero naramdaman ko na agad na gusto kita. Hanggang sa nasundan na ng nasundan yung pagkikita natin and I always thank God na nakilala kita sobra sobra pa sa hinihiling ko na ibigay ka nya sakin. 
Sorry, alam ko sobra natin nasaktan ang isat isa nung araw na naghiwalay tayo kaya gumawa ako ng letter para malaman mo kung gaano kita kamahal at kung pwede ko lang ibalik yung araw na yun babaguhin ko lahat ng nakasakit sayo, you are the best thing that happened to me hindi ko na alam susunod kong gagawin, kung pano ko gigising na hindi na kita makakasama pagkatapos natin maghiwalay, sobrang sakit to the point na kailangan kong takpan yung sakit na yun kaya ginawa kong okay agad ang sarili ko kahit hindi. Alam ko pag nabasa mo to malamang move on kana o kaya masaya kana sa iba pero ginawa ko to para lang malaman mo kung ano yung nararamdaman ko
alam ko naman na nahirapan ka ihandle ako noon masyado akong naging kampante na hindi ka mawawala sakin naging selfish ako hindi kita naalagaan, lagi kitang inaaway, hindi na kita iniintindi at yung nararamdaman mo, sorry sobrang sorry sa lahat. 
Deserve mo maging masaya at mapunta sa babaeng papahalagahan ka kaya
hindi kita pipigilan dun at magiging masaya ko para sayo pero kung dumating man yung panahon na ako p din yung mahal mo mas magiging masaya ko dahil gustong gusto kong bumawi sayo sa lahat ng nagawa mo, handa akong manligaw sayo awkward man pero di ako mahihiyang gawin yun maliit na bagay kumpara sa mga nagawa mo at gusto kong mapatunayan na sincere ako at kaya kong gawin lahat wag ka lang mawala sakin, gusto kong ako maging dahilan ng saya mo at hindi sa iba. Dumating man yung araw na nawala ako sayo pero yung pagmamahal ko hindi, walang makakatumbas ng saya at pagmamahal ang naramdaman ko nung ikaw ang kasama ko. Naghiwalay man tayo pero ito na siguro yung way ni God para magbago ako at maisip ko lahat ng pagkakamali ko this time alam kong mas kaya ko ng maging better, hindi mo man ako tanggapin ulit pero dala ko lahat ng aral na natutunan ko. Ikaw ang pinakaminahal ko at ikaw pa din ang one great love ko

Ps:Hindi mo kailangan magreply kung wala ka ng gustong sabihin sakin. Sana lang maging private tong sulat ko mahirap sakin na ilabas yung totoong nararamdaman ko alam mo yan pero ayokong may pagsisihan ako sa huli dahil hindi ko nasabi sayo to.

0 Comments

Leave a reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *

*

This site uses Akismet to reduce spam. Learn how your comment data is processed.